^

Probinsiya

2 bangkay ng bagets natagpuan na

- Ni Mer Layson -

RIZAL, Philippines — Dalawang bangkay ng tinedyer ang natagpuan na kahapon na unang iniulat na nawawala matapos na maligo San Mateo River.

Ayon kay Teddy Apiladas, hepe ng Municipal Di­saster Risk Reduction and Management Office ng San Mateo, Rizal, dakong alas-6 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ni Ernesto Pereño,13, sa ilog malapit sa resettlement area sa Ba­rangay Nangka, Marikina City.

Lumutang naman ang bangkay ni Mark Christopher, 16, may 100-metro mula sa lugar kung saan sila nalunod sa San Mateo River sa Ba­rangay Dulong Bayan 1.

Base sa ulat ng pulisya, nagkayayaang maligo sa ilog ang magkakaibigan na taga-Litex Road, Quezon City matapos makipaglamay sa namayapang kaibigan.

Sinasabing pinulikat si John Jalani, 14, habang nali­ligo sa nasabing ilog kaya tinulungan nina Mark Chris­topher at Pereno su­balit tina­ngay din ng agos.

Kamakalawa ay natagpuan ang bangkay ni Jalani subalit nahirapan ang search and rescue team na makita ka­agad sina Mark Christopher at Pereno dahil sa lakas ng agos.

DULONG BAYAN

ERNESTO PERE

JOHN JALANI

LITEX ROAD

MARIKINA CITY

MARK CHRIS

MARK CHRISTOPHER

MUNICIPAL DI

PERENO

SAN MATEO RIVER

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with