^

Probinsiya

Clan war: 8 katao bulagta

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Walo-katao ang iniulat na nasawi habang tatlong Cafgu Active Auxi­liary ang malubhang nasu­gatan  matapos na mu­ling sumiklab ang clan war sa pagitan ng magkalabang angkan ng mga pulitiko na nag-aagawan sa lupain sa lalawigan ng Lanao del Sur, ayon sa ulat kahapon.

Sa ulat ni Col. Daniel Lucero, commander ng Army’s 103rd Infantry Brigade,  bandang alas-5 ng umaga kamakalawa nang magsagupa ang magkalabang angkan ng pamilya nina Mayor Hadji “Apollo” Aziz ng Lumbaca-Unayan, Lanao del Sur; Arimao Asum, anak nitong si Mayor Sonbao Asum ng Lumbayanague; Azgar Sangcopan at si Superi sa bisinidad ng Barangay Malalis at Brgy. Dumalundong sa bayan ng Butig.

Sugatan sa madugong sagupaan sina Acmand Guntinga, Maumar Ringia Umpara  at isa pa mula sa angkan ng mga Asum.

Nasawi sa bakbakan ang lima sa grupo ni Delio Bao alyas Superi at tatlo naman sa nakaengkuwentro nitong grupo.

Nabatid na matagal nang may alitan ang magkakalabang angkan at nagkakaubusan ng lahi dahil sa clan war na sa tuwing magkakainitan ay dumadanak ng dugo.

Lumilitaw na nag-umpisa ang bakbakan nang lusubin ng angkan nina Asum ang bahagi ng Barangay Malalis na teritoryo ng grupo nina Sangcopan at Alim.

Nahinto lamang ang bakbakan nang dumating ang puwersa ng militar at pulisya kung saan napagkasunduan ang ceasefire matapos pumagitna sa labanan ang mga lokal na opisyal ng pamahalaan.

ACMAND GUNTINGA

ARIMAO ASUM

ASUM

AZGAR SANGCOPAN

BARANGAY MALALIS

CAFGU ACTIVE AUXI

DANIEL LUCERO

DELIO BAO

INFANTRY BRIGADE

LANAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with