^

Probinsiya

'Lumubog' na barko nakita na

- Artemio Dumlao -

BAGUIO CITY, Philippines – Sa hindi inaasahang pagkakataon ay natagpuan kahapon na naglalayag sa karagatan ng Pangasinan ang napaulat na barkong lumubog kasama ang 20 tripulante kamaka­lawa sa Ilocos Norte.

Ang Panamanian-re­gistered MV Oceanic Union na patungong Subic Bay mula sa Shanghai, China ay unang napaulat noong Sabado na lumubog su­balit natagpuan kahapon ng search and rescue ope­ration na naglalayag sa karagatan ng Dasul sa Pangasinan, ayon kay Lt. Jr. Grade Dennis Rafal ng Philippine Coast Guard.

Lumilitaw na inalerto ng Hong Kong Maritime Rescue Coordinating Center ang Phil. Coast Guard na ang nasabing barko ay lumubog base sa radio message na kanilang nakalap mula sa kapitan.

Subalit sa patuloy na paghahanap ng islander aircraft rescue mission sa nasabing karagatan ay namataan nito ang barko na naglalayag.

Gayon pa man, sinuspinde na ang search and rescue operation ng mga awtoridad habang pina-eskortan naman ng PCG ang cargo vessel patungong Subic Bay, ayon pa kay Lt Sr. Grade Rafal.

ANG PANAMANIAN

COAST GUARD

HONG KONG MARITIME RESCUE COORDINATING CENTER

ILOCOS NORTE

JR. GRADE DENNIS RAFAL

LT SR. GRADE RAFAL

OCEANIC UNION

PANGASINAN

PHILIPPINE COAST GUARD

SUBIC BAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with