Driver ng trader todas sa holdap

CAVITE, Philippines — Napatay ang isang 60-anyos na driver ng negosyanteng babae habang hindi naman idinamay ang kanyang amo sa naganap na holdapan sa kahabaan ng Scalawag Road sa Barangay Salitran 4, Dasmariñas City, Cavite kamakalawa ng hapon.

Napuruhan ng bala ng baril sa ulo si Escolatico Yap ng South Meri­dian Homes sa Barangay Salitran 4 habang hindi naman sinaktan ang negosyanteng si Catherine Peralta, 32, ng BF Homes Parañaque City.

Kaagad naman tumakas ang dalawang holdaper matapos tangayin ang malaking halaga, dalawang cell phone at iba pang personal na gamit ng mga biktima.

Base sa police report, lulan ng kotse ang mag-amo nang harangin ng dalawang ‘di-kilalang lalaki pagsapit sa harapan ng South Meridian kung saan binaril at napatay kaagad ang drayber.

Show comments