Mag-ama inutas ng NPA

MANILA, Philippines - Niratrat at napatay ng mga rebeldeng New People’s Army ang isang mister na gold panner  at anak nitong babae sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay Kinayan sa bayan ng bayan ng Barobo, Surigao del Sur kamakalawa ng gabi. Bandang alas-11 ng gabi nang pasukin ng mga rebelde ang bahay ng mag-amang Bienvenido Tamosa, 34; at Princess Krizha Mae, 2. Lumilitaw na inimbitahan ang matandang Tamosa ng mga rebelde para makipagdiyalogo sa kanilang grupo sa kabundukan ng Barangay Tambis pero hindi ito pina­unlakan ng biktima. May teorya ang mga awto­ridad na pangingikil ng buwis ang isa sa motibo ng mga rebelde na tinanggihan ni Bienvenido.

Show comments