^

Probinsiya

Barko lumubog: 20 katao nawawala

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Dalawampung tripu­lante ang iniulat na nawawala makaraang lumubog ang Panamian cargo vessel habang naglalayag sa bahagi ng karagatan ng Ilocos Norte kahapon ng umaga.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, patuloy na sinusuyod ng mga elemento ng Philippine Coast Guard, PNP Maritime Group at Philippine Navy ang na­sabing karagatan upang iligta­s ang mga tri­pulante ng MV Oceanic Union cargo vessel.

Bandang alas-10 ng umaga­ nang makatanggap ng text message ang pulisya mula sa PCG sa Currimao hinggil sa mensahe ng Hong Kong Maritime Rescue Coordinating Center sa ‘distress call’ ng kapitan ng barko na nagdeklara na abandonahin ito matapos na unti-unti nang lumubog sa ka­ragatan.

Bunga ng insidente ay nag-request ng ambulansya ang PCG habang patuloy na ginagalugad ang karagatan katulong ang PNP Maritime Group at Philippine Navy upang sagipin ang buhay ng nawawalang mga tripulante ng Panamian cargo vessel.

Samantala, inalerto na rin ng PNP ang  mga him­­pilan ng pulisya sa Laoag City, Burgos at Pa­saquin na nasa Ilocos Norte upang tumulong sa PCG na nagsa­sa­gawa ng rescue ope­ration.

CAMP CRAME

HONG KONG MARITIME RESCUE COORDINATING CENTER

ILOCOS NORTE

LAOAG CITY

MARITIME GROUP

OCEANIC UNION

PANAMIAN

PHILIPPINE COAST GUARD

PHILIPPINE NAVY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with