CAMARINES NORTE ,Philippines - Sinibak sa puwesto ang isang hepe ng pulisya sanhi ng pagtaas ng kriminalidad sa lugar na kaniyang nasasakupan sa bayan ng Daet ng lalawigan nitong nakalipas na buwan ng Oktubre.
Kinilala ang tinanggal sa puwestong opisyal na si Chief Inspector Arnulfo Selencio na pinalitan ni Supt. Allan Ramos, 38 anyos, tubong Brgy. 2 sa bayang ito.
Si Ramos ang nahirang ni Daet Mayor Tito Sarion na iluklok sa posisyon sa paniniwalang makakaya nitong tuldukan ang kriminalidad sa kanilang bayan.
Nangako naman ang opisyal na kabilang sa kaniyang tututukan ay ang problema sa illegal na droga, human trafficking, anti criminality campaign at women’s and children’s protection desk.
Tahasan ring sinabi ni Ramos na hindi niya kukunsitihin ang kanyang mga kamag anakan, kaibigan o kaklase sa sinumang nakagawa ng paglabag sa batas.