Minero lasog sa dinamita

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines — Isang 33-anyos na minero ang iniulat na nasawi matapos sumabog ang dinamita na sinindihan ng kanyang kasamang minero sa loob ng tunnel sa Barangay Cancahorao sa bayan ng Baleno, Masbate kamakalawa ng hapon. Nakilala ang namatay na si Ronald Bello ng Sitio Balik-balik sa Barangay Poblacion habang naaresto naman ang nagpasabog ng dinamita na si Rex Cervantes ng Barangay Lagta. Napag-alaman na nasa labas ng tunnel si Cervantes kaya sa pag-aakalang walang minero sa loob ay pinasabog nito ang dinamita subalit saka lang nabatid na si Bello ay nasa tunnel.

Show comments