^

Probinsiya

San Pedro Mayor Cataquiz rumesbak

-

LAGUNA, Philippines — Binatikos ni Mayor Calixto R. Cataquiz ng San Pedro, Laguna ang mga mali at binaluktot na balita sa lumabas sa ilang pahayagan at sa Internet kaugnay sa desisyong ibi­naba ng Korte Suprema na may kinalaman sa kasong administratibo na isinampa sa kanya noong siya ay general manager ng Laguna Lake Development Authority (LLDA).

Hindi binanggit sa desisyon ng Korte Suprema ang “perpetual disqualification from public office” gaya nang ibinalita ng ilang pahayagan at lumabas sa Internet kundi tungkol lamang sa re-employment niya sa government service.

“Ang binaluktot na interpretasyong ito ng desisyon ng Korte Suprema ay sinadsadyang sirain ang aking posisyon ibang alkalde ng San Pedro,” pahayag ni Mayor Cataquiz. 

Idinagdag pa ni Mayor Cataquiz na sinakyan ng kanyang mga kalaban sa politika ang maling interpretasyong ito upang sirain ang kanyang panunungkulan at lituhin ang taumbayan sa loob at labas ng San Pedro at paniwalain na bababa na siya sa tungkulin.

Matapos ang ilang linggo na ibaba ang hatol ng Korte Suprema, hindi naman pinigilan sa pagganap sa tungkulin si Ma­yor Cataquiz ng anumang kautusan o kaya notice to vacate his position mula sa kinauukulang ahensya ng pamahalaan.

BINATIKOS

CATAQUIZ

IDINAGDAG

KORTE

KORTE SUPREMA

LAGUNA LAKE DEVELOPMENT AUTHORITY

MATAPOS

MAYOR CALIXTO R

MAYOR CATAQUIZ

SAN PEDRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with