Magkumpare dinedo sa inuman

BULACAN, Philippines - Sa halip na dumalaw sa puntod ng mga kaanak na yumao ang magkumpare ay sila ngayon ang pinag­lalamayan makaraang pagbabarilin at saksakin ng kanilang kapitbahay sa Barangay San Mateo sa bayan ng Norzagaray, Bulacan kamakalawa ng gabi. Nakilala ang isa sa dalawang napatay na si Erlindo Harmi habang tugis naman ang suspek na si Domingo Escopete, 35. Base sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Fernando Mendez Jr. Nakipag-inuman ang mga biktima sa suspek kung saan humantong sa mainitang pagtatalo. Nabatid na hinintay lamang ng suspek na makatulog ang mga biktimang lango sa alak saka isinagawa ang pamamaslang.

Show comments