Karnaper dinakma ng pulis

MANILA, Philippines - Bagsak-kalaboso ang isang notoryus na karnaper matapos maaktuhan ng pulis na ninanakaw ang kaniyang motorsiklo sa harapan ng kaniyang tahanan sa Barangay San Vicente, San Pedro, Laguna kamaka­lawa ng umaga.

Pormal na kinasuhan ang suspek na si Rossini Rellamas, 33, ng Barangay Alabang, Muntinlupa City.

Sa ulat ni P/Supt. Kirby Jhon Kraft, hepe ng San Pedro PNP na nakarating sa Camp Crame, bandang alas-10:05 ng umaga nang maaktuhan ni PO1 Aries Lacansandile ng Binangonan PNP ang suspek na sinususian ang kaniyang motorsiklo  na nakaparada sa harapan ng kaniyang tahanan.

Hindi na nakapalag ang suspek matapos na dakpin ni Lacansandile at dalhin sa presinto ng pulisya.

Nasamsam mula sa suspek ang siyam na piraso ng susi, socket wrench at bakal na may anim na pulgadang haba.

Show comments