Holdap: P1.6-M nalimas

QUEZON, Nueva Vizcaya ,Philippines  — Tinatayang aabot sa P1.6 milyong halaga ng ginto at cash ang nalimas sa apat na negosyante sa naganap na magkakahiwalay na holdapan sa Barangay Runruno sa bayan ng Quezon, Nueva Vizcaya kamakalawa ng gabi. Kabilang sa mga negosyanteng nilooban ng mga armadong kalalakihan ay nakilalang sina Noel Bandao, 46; Renato Pumihik, 46; Noel Habiling, 39; at si Cito Pingkihan na pawang nakatira sa Sitio Bit-ang sa nasabing barangay. May teorya ang pulisya na natiktikan ang mga biktimang namimili ng ginto sa mga minero at may malaking halaga sa kani-kanilang tahanan kaya naganap ang insidente. Victor Martin

Show comments