Drug pusher pinabulagta

MANILA, Philippines - Isang 33-anyos na misis na sinasabing notoryus na drug pusher ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng motorcycle-riding gunmen sa Barangay Pusok, Lapu-Lapu City, Cebu kamakalawa ng hapon. Batay sa police report na nakarating sa Camp Crame, naganap ang pamamaril sa biktimang si Evelyn Sabandal sa harapan ng kanyang tahanan. Lumilitaw na tinapatan ang biktima ng dalawang lalaki na lulan ng motorsiklo kung saan nag-demand na maglabas ng shabu subalit tinanggihan ito ng misis kaya naganap ang pamamaslang. Pinaniniwalaang onsehan sa droga ang isa sa motibo ng krimen.

Show comments