^

Probinsiya

Misis, lover grinipuhan ng mister

- Ni Ed Casulla -

ALBAY  ,Philippines – Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang isang 28-anyos na misis at kalaguyo nito na naaktuhan sa loob ng kuwarto na magkasiping makaraang saksakin ng mister ng una sa Purok 3, Barangay Malabog sa bayan ng Daraga, Albay kahapon ng umaga.

Patawirin ang buhay sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital ang mga biktimang sina Bessia Guita at Hermie Malto, 23, habang sumuko naman sa mga opisyal ng barangay ang suspek na si Joel Guita, 32.

Lumilitaw sa inisyal na ulat ng pulisya na biglang umuwi ang suspek mula sa Maynila kung saan naaktuhan niya ang dalawa na magkasiping sa kanilang kuwarto.

Kaagad na kumuha ng patalim ang suspek at sunud-sunod na inundayan ng saksak ang magkalaguyo.

Sa nakalap na impormasyon ng pulisya, nakaabot sa kaalaman ng suspek na may lihim na relasyon ang kanyang misis sa ibang lalaki kaya sinubukan nitong magpaalam patungong Maynila subalit muling bumalik may ilang araw ang nakalipas para kumpirmahin ang balita.

vuukle comment

ALBAY

BARANGAY MALABOG

BESSIA GUITA

BICOL REGIONAL TRAINING AND TEACHING HOSPITAL

DARAGA

HERMIE MALTO

JOEL GUITA

KAAGAD

KASALUKUYANG

MAYNILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with