Ex-Cafgu itinumba ng NPA

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Napaslang ang isang 41-anyos na dating miyembro ng Civilian Armed Forces Geographical Unit (Cafgu) makaraang pagbabarilin ng mga rebeldeng New People’s Army sa kahabaan ng highway sa Sitio Kapatagan, Barangay Cantoma sa bayan ng Monreal, Masbate kahapon ng umaga. Dakong alas 8 ng umaga habang nagmamaneho ng habal - habal ang biktimang si Rico Almojuela ng Brgy. Real nang tambangan ng mga rebelde. Nabatid na nakakatanggap na ng pagbabanta ang biktima simula nang umalis ito sa serbisyo.

Show comments