12-anyos nalunod sa pool

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City ,Philippines  – Masyadong napaaga ang salubong ni kamatayan laban sa isang 12-anyos na mag-aaral na sinasa­bing sumama sa field trip makaraang malunod sa swimming pool sa Mayon Spring Resort sa Barangay Pandan, Ligao City, Albay kahapon ng umaga.

Hindi na umabot pa ng buhay sa Garcia Memorial Hospital si Al Kevin Balista, 1st year sa Deogracia Princesa High School at nakatira sa Barangay Tula-Tula, Grande sa nasabing lungsod.

Sa ulat ng pulisya, lumilitaw na nag-field trip ang biktima kasama ang mga kaklase at guro kung saan nag-tree planting, scouting at hiking bilang bahagi ng kanilang aktibidad sa paaralan.

Gayon pa man, naligo sa swimming pool ang biktima kasama ang ilang kaklase kung saan nalunod sa hindi nabatid na dahilan.

Show comments