Credit collector pisak sa truck

BULACAN, Philippines – Isang 33 anyos na credit collector na nagmomotorsiklo ang iniulat na nasawi matapos masagasaan ng truck sa Maharlika Highway sa Barangay Tabing ilog sa bayan ng Marilao, Bulacan kamakalawa ng hapon. Napisak ang katawan ni Jerwin Parpan ng Barangay Ugong sa Valenzuela City habang sumuko naman ang drayber ng trailer truck (RFY 740) na si Pepito Olog, 37, ng Ilagan, Isabela. Sa ulat ni SPO2 Jun Alejandrino, lulan ng motorsiklo ang biktima kasama ang ilang kawani ng kompanya patungo sa bayan ng Sta. Maria para ideliber ang isang big bike na inorder ng kanyang kostumer nang abutan ng trapik sa nasabing highway. Gayon pa man, isiningit ng biktima ang kanyang motorsiklo subalit nawalan ito ng balanse kaya nabuwal sa ilalim ng truck kaya nagulungan ang kanyang katawan.

Show comments