25-anyos dedo sa hostage-drama

BALANGA CITY, Bataan, Philippines – Isang 25-anyos na babae ang nasawi makaraang saksakin ng kanyang lover sa loob ng bahay sa naganap na hostage drama sa Barangay Ibayo, Balanga City, Bataan kahapon ng umaga. Kinilala ni P/ Senior Supt. Arnold Gunnacao ang biktima na si Aicel Jane Lim, pansamantalang nakatira sa bahay ni Engr. Lorenzo Tapan kung saan tumatayong kasambahay. Lumilitaw na hinostage ng suspek na si Roberto Reyes, 45, ang biktima dahil sa matinding selos kung saan napatay bago pa maganap ang negosasyon ng mga awtoridad. Duguan din ang suspek na naaresto ng pulisya na pinaniniwalaang nagsaksak sa sarili.

Show comments