Pulis, 2 pa tiklo sa P 8M robbery
MANILA, Philippines - Bumagsak sa mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Region 8 ang tatlong kalalakihan kabilang na ang isang pulis sa panghoholdap noong Lunes tangay ang P 8 milyong pondo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Tacloban City ,ayon sa opisyal kahapon.
Kinilala ni PNP-CIDG Chief P/Director Samuel Pagdilao ang mga nasakoteng suspek na sina PO3 Arnulfo Boco, ng Ormoc City PNP; Johnny Agcang, at si Costino Goco, drayber ng DSWD service vehicle. Sina Boco at Agcang ay kapwa ikinanta ni Goco humoldap kina Vilma Aguilar, chief for administration ng DSWD Region 8.
Sa presinto ay kapwa nagturuan sina Boco at Goco na mastermind sa robbery/holdup.
Nabatid na nagpartihan ang mga suspek kung saan P 3. 8 milyon ang napunta kay Boco habang tig-P 2.1 milyon naman ang dalawa nitong kasabwat.
Narekober naman ng mga awtoridad, ilang oras matapos ang insidente sa raid sa Sagkahan Bliss, Tacloban City ang P 3.8 milyon na itinago ni Boco.
Bandang alauna naman ng madaling-araw kahapon nang marekober sa raid sa Ormoc City, Leyte ang isang cal. 45 pistol na may mga bala, at ang P30, 000 gayundin ang getaway motorcycle.
- Latest
- Trending