^

Probinsiya

Sex scandal sa munisipyo nabuking

- Ni Tony Sandoval -

LUCENA CITY, Philippines - Nagsasagawa na ngayon ng imbestigasyon ang binuong komite ni Mayor Barbara Ruby Talaga upang tuntunin ang ugat ng kanyang nabuking na sex scandal sa Pamahalaang Panglunsod na kinasasangkutan ng isang kawani ng munisipyo.

Ang komite ay binubuo nina City Administrator Ramon Talaga Jr., Atty. Matvin Tan, Atty. Mark Zoleta at si Human Resources Officer Juliet Villanueva.

Pansamantalang itinago ang pagkakakilanlan ng nasasangkot na kawani na 45-an­yos na sinasabing pamangkin ng huwes at isang 20-anyos na estudyante sa kolehiyo.

Natuklasan ni Mayor Talaga ang sex scandal nang maiwan ng suspek ang USB sa CPU ng computer kung saan isang kasamahan sa opisina ng suspek ang nakapansin sa USB at ng kanya itong buksan ay tumambad ang mga la­rawan na nasa mahahalay na tagpo ang suspek at ang estudyanteng babae.

Napasakamay ni Ma­yor Talaga ang isang flash drives Universal Serial Bus (USB) at nang kanya itong panoorin ay nanghilakbot ito sa nakitang sex scandal ay mismong isinagawa sa loob ng opisina ng munisipyo dahil kinakitaan ng seal ng City Hall ang kuwarto sa larawan.

Irerekomenda ni Mayor Talaga sa komite na sibakin sa serbisyo ang kawani at kasuhan ng imoralidad.

vuukle comment

CITY ADMINISTRATOR RAMON TALAGA JR.

CITY HALL

HUMAN RESOURCES OFFICER JULIET VILLANUEVA

IREREKOMENDA

MARK ZOLETA

MATVIN TAN

MAYOR BARBARA RUBY TALAGA

MAYOR TALAGA

PAMAHALAANG PANGLUNSOD

UNIVERSAL SERIAL BUS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with