^

Probinsiya

Task group binuo vs killer ng pari

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Bumuo na ng Special Investigation Task Group Fausto ang pamunuan ng pulisya upang resolbahin sa lalong madaling panahon ang pamamaslang sa Italian priest sa bisinidad ng Our Lady of Perpetual Help Parish kamakalawa sa Poblacion, Arakan, North Cotabato.

Ang direktiba ay ipinalabas ni PNP Chief Director General Nicanor Bartolome  sa Police Regional Office 12 para mabigyan ng hustisya ang pagpatay kay Fr. Fausto Tentorio, 59, kung saan 30-taong nagsilbi bilang pari sa nasabing lalawigan.

Itinalaga naman para mamuno sa SITG Fausto si P/Chief Supt. Lester Camba, hepe ng Directorate for Administration ng PRO 12.

Kabilang sa anggulong sisilipin ng mga imbestigador ay ang  pagiging aktibo ni Fr. Tentorio sa krusada laban sa illegal na operasyon ng minahan sa North Cotabato na nasagasaan nito sa kaniyang mga sermon sa simbahan.

Si Fr. Tentorio ay binaril at napatay ng nag-iisang gunman sa compound ng nasabing simbahan habang ito ay pasakay sa kanyang pickup na patungo sana sa pagpupulong sa Kidapawan City.

Nabatid pa na bago tumakas ng gunmen ay tinangay sa sasakyan ng pari ang cell phone at ilang importanteng dokumento.

Samantala, mahigpit ang ipinatutupad na seguridad sa mga  pari partikular sa mga dayuhan at turista na residente ng bansa sa North Cotabato upang maiwasang maulit pa ang insidente.

CHIEF DIRECTOR GENERAL NICANOR BARTOLOME

CHIEF SUPT

FAUSTO TENTORIO

KIDAPAWAN CITY

LESTER CAMBA

NORTH COTABATO

OUR LADY OF PERPETUAL HELP PARISH

POLICE REGIONAL OFFICE

SI FR

SPECIAL INVESTIGATION TASK GROUP FAUSTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with