Radio commentator nilikida
BUTUAN CITY, Philippines – Isa na namang radio commentator ang napatay matapos ratratin ng motorcycle-riding gunmen sa bahagi ng Sitio Mamprasanon, Banahaw, Lianga, Surigao del Sur noong Biyernes. Napuruhan sa likurang bahagi ng katawan si Datu Roy “Boy Gamay” Quijada Gallego, block timer sa Butuan City’s AM radio station dxJM at FM station dxSF sa San Francisco, Agusan del Sur. Si Gallego na may pangalan sa Manobo tribe na Datu Bagtikan ay tumatayong presidente ng Bayanihan Council of Datus sa Caraga Region. Ayon sa police report, si Gallego na lulan ng motorsiklo ay niratrat sa highway kung saan narekober sa crime scene ang 3 basyo ng cal. 45 pistola, bag, cell phone at motorsiklo ng biktima.
- Latest
- Trending