^

Probinsiya

2 holdaper tumba sa barilan

-

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines – Dalawa sa tatlong kalalakihan na sinasabing notoryus na holdaper ang napatay matapos makipagbarilan sa mga alagad ng batas sa bahagi ng Biñan City, Laguna kahapon ng madaling-araw. Kinilala ni P/Senior Supt. Gilbert Cruz, Laguna PNP director ang isa sa dalawang napatay na si Ronnie Elardo ng Barangay Malaban, Biñan City habang inaalam pa rin ang pagkakakilanlan ng dalawa. Unang hinoldap ng tatlo si Placido Boy sa Garcia Subdivision kung saan natangay ang cellphone at P1,500 cash. Gayundin si Rhealyn Guab na hinoldap naman sa bisinidad ng Manabat Street kung saan tinangay ang bag nito bandang alas-3:30 ng madaling-araw. Sa follow-up operation ng pulisya nasukol ang dalawa na lulan ng traysikel sa Manabat Street, Barangay San Antonio kung saan nakipagbarilan at napatay. Samantala, tinutugis naman ang isa pang kasabwat na holdaper na nakatakas.

vuukle comment

BARANGAY MALABAN

BARANGAY SAN ANTONIO

DALAWA

GARCIA SUBDIVISION

GILBERT CRUZ

MANABAT STREET

PLACIDO BOY

RHEALYN GUAB

RONNIE ELARDO

SENIOR SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with