^

Probinsiya

Ina, 3 anak, maid minasaker ng ama

- Ricky ­Tulipat, Alexis Romero -

MANILA, Philippines - Napaslang ang apat na mag-iina at kasambahay nila makaraang pagbabarilin ng kanilang ama bago nagbaril din sa sarili sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay Tabunok sa Talisay City, Cebu kahapon ng umaga.

Sa ulat ni P/Senior Supt. Patrocinio Commendador, Cebu PNP director, lumilitaw na naganap ang krimen bandang alas-8:30 ng umaga kung saan nakilala ang suspek na si Emmanuel Ponce, 55, isang OFW na sinasabing lango sa alak nang pagbabarilin ang kanyang mag-iina.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, bago maganap ang pamamaril ay kinompronta ni Emmanuel ang kanyang asawang si Melinda Dodio Ponce, 53, manager sa banko sa Banawa, Cebu City.

Gayon pa man, matapos magkasagutan ay pinagbabaril ni Emmanuel ang kanyang misis, tatlong anak na sina Elaine Grace, 26; Heether Joy, 25; Erlin Bridge, 18; at ang kasambahay na si Anastacia Deniega, 30.

Nang magising ang 14-anyos na anak ay sinabihan ito ng kanyang ama na tumawag ng pulis hanggang sa marinig nito ang putok ng baril na tumapos sa buhay ni Emmanuel na nagbaril sa sarili.

Naisugod pa sa Talisay District Hospital ang apat na mag-iina at ang kanilang ama subalit idineklarang patay dahil sa mga tama ng cal. 45 pistola.

Sa kasalukuyan, hawak na ng awtoridad ang 14-an­yos na anak na sinasabing nakatulala sa naganap habang patuloy ang imbestigasyon.

vuukle comment

ANASTACIA DENIEGA

BARANGAY TABUNOK

CEBU

CEBU CITY

ELAINE GRACE

EMMANUEL

EMMANUEL PONCE

ERLIN BRIDGE

HEETHER JOY

MELINDA DODIO PONCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with