CAVITE, Philippines – Kamatayan ang naging kapalit sa selebrasyon ng kaarawan ng isang 22-anyos na lalaki matapos itong mapagtripang gulpihin at barilin ng grupo ng kabataan na sinasabing adik sa bawal na droga sa Barangay Paliparan 3, Dasmariñas City, Cavite kamakalawa ng hapon.
Lumilitaw na pauwi ang biktimang si Boyet Lagmay sa Blk. 21, Lot 6, Phase 5 sa Brgy. Paliparan 3 mula sa pakikipag-inuman sa kanyang mga kaibigan kaugnay sa kanyang kaarawan nang harangin at gulpihin sa gilid ng kalsada.
Bukod sa palatandaang pinahirapan ay niratrat pa ang biktima.