^

Probinsiya

14 katao sugatan sa karambola

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Labing-apat katao kabilang ang 11 Chinese national ang nasugatan makaraang aksidenteng magbanggaan ang isang tourist bus at ilan pang behikulo sa karambola ng sasakyan sa highway ng  Brgy. Habana, Nabas , Aklan nitong Biyernes ng umaga. Kinilala ni Police Regional Office (PRO) 6 Director P/Chief Supt. Cipriano Querol ang mga nasugatang Chinese national na sina Jin Yan Wang, 35, Lingna Cao, 52, Hui Qin Sun, 54, Yue Hue Zhu, 54, Sheng Long Song, Ying Ying Sheu, 38, Qin Qin, 39, Limin Lian, 42, Min Fang, 30, Ping Chen, 52, Jin Mei Chen, 68 at ang apat na Pinoy ay sina Zaldy Panagsagan, 31, Freizie Flores, tour guide; dalawang photographer na sina Jeffrey Wongli, 31 at Mechelou Badere. Bandang alas-6:30 ng umaga habang kasalukuyang bumabagtas sa lugar ang isang Island Star Express tourist bus na galing Kalibo airport patungong Caticlan ng mangyari ang banggaan ng tourist bus, dump truck, L 300 van at 10 wheeler truck sa lugar. Nabatid na ang nasabing mga dayuhan ay patungong Boracay Island, ang pamosong lugar na dinarayo ng mga turista sa Aklan.

AKLAN

BORACAY ISLAND

CHIEF SUPT

CIPRIANO QUEROL

DIRECTOR P

FREIZIE FLORES

HUI QIN SUN

ISLAND STAR EXPRESS

JEFFREY WONGLI

JIN MEI CHEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with