Ambush: Utol ni gov. todas, misis dedo

MANILA, Philippines - Napaslang ang Inhinyerong kapatid ni Basilan Gov. Jum Jainuddin Akbar at misis nito matapos pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen sa harapan ng Basilan State College sa bayan ng Sumagdang, Isabela City, Basilan noong Lunes ng gabi. Sa phone interview, kinilala ni P/Supt. Alan Nazarro, hepe ng Isabela City PNP ang mag-asawang napatay na sina Engineer Basser Jainuddin, kapatid ni Gov. Akbar; at HJ Amina Jainuddin na idineklarang patay sa Infante Hospital sa Isabela City.Kasalukuyang pauwi na ang mag-asawa na lulan ng motorsiklo mula sa Isabela City proper nang sundan at ratratin ng motorcycle-riding assassin.Narekober sa crime scene ang 7-basyo ng bala ng baril habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments