Totoy pisak sa gumuhong bato

MANILA, Philippines - Halos napisak ang katawan ng isang 4-anyos na batang lalaki habang apat iba pa ang malubhang nasu­gatan matapos gumulong ang naglalakihang tipak ng bato sa tatlong bahay sa bayan ng San Pedro, Laguna noong Biyernes ng hapon. Kinilala ang namatay na biktima na si Rommel Gonzales ng Barangay San Antonio habang naisugod naman sa ospital ang sugatang si Dang Navarro, mga anak nitong sina Nonoy Navarro, 11; Loloy, 9; at Totoy Guevarra, 3. Nagawa namang makaligtas ng ibang residente matapos makatakbo nang marinig ang mala­lakas na dagundong at gumugulong na naglalakihang tipak na bato mula sa quarry site malapit sa sementeryo. Kaugnay nito, ipinag-utos naman ng lokal na pamahalaan ang  evacuation sa mga residente.

Show comments