7 Araw palutang-lutang sa dagat. 4 mangingisda nasagip
ZAMBALES, Philippines – Apat- mangingisda na sinasabing nagpalutang-lutang sa tubig sa loob ng pitong araw ang nasagip kahapon ng umaga sa karagatan ng Zambales.
Kinilala ang apat na sina Alex Pogay, 36; Raffy Tayong, at Loloy Ballescas habang namatay naman si Alfredo Aranado matapos isugod sa Ramon Magsaysay Memorial Hospital at pawang nakatira sa Barangay Sisiman, Mariveles, Bataan.
Ayon kay SPO3 Venus C. Ferariza, ang apat ay naglayag para mangisda noong Setyembre 17 subalit binalya ng malakas na alon ang kanilang bangka noong kasagsagan ng bagyong Pedring hanggang sa lumubog.
Makalipas ang 7-araw na palutang-lutang sa dagat gamit ang mga plastic container ay namataan ng mangingisdang si Leo Galvez ang mga biktima.
Dito na dinala ni Galvez ang mga biktima sa dalampasigan ng Barangay Sto. Rosario kung saan dinala sa nasabing ospital at ipinagbigay-alam sa himpilan ng pulisya sa bayan ng Iba, Zambales.
- Latest
- Trending