Trike vs bike: 2 dedo

BULACAN ,Philippines  – Dalawa-katao ang iniulat na nasawi habang isa naman ang malubhang nasugatan matapos magsalpukan ang traysikel at motorsiklo sa kahabaan ng kalsada sa Barangay Calasag sa bayan ng San Ildefonso, Bulacan kamakalawa ng gabi. Namatay habang ginagamot sa ospital sina Jerson Apellanes, 23; at Marcelino Morales, 31, habang isinasalba naman ang buhay ni Jaysen Santiago, 28, drayber ng traysikel at pawang nakatira sa Brgy. Pangclara sa bayan ng Candaba, Pampanga.

Samantala, nakadetine naman ang drayber ng motorsiklo na si Don-don Bernardo, 21, ng Brgy. Malipangpang, San Ildefonso.

Sa imbestigasyon ni PO1 Fernando Samson, lulan ng traysikel sina Apellanes, Morales at Santiago nang salpukin ng motorsiklo (OH 1358) ni Bernardo.

Show comments