17-anyos pinabulagta

CAVITE ,Philippines  – Napatay ang isang 17-anyos na binatilyo makaraang saksakin ng kanyang kapitbahay dahil sa masamang titig kamakalawa ng gabi sa Barangay Paliparan, Dasmariñas City, Cavite.

Napuruhan sa dibdib si Alexis Mengoy habang tugis naman ng pulisya ang suspek na si Elmer Arriola, kapwa nakatira sa Mabuhay City Subd. sa nasabing barangay.

Lumilitaw na nairita ang suspek sa sinasabing masamang titig ng biktima kaya kinompronta nito na nauwi sa pananaksak.

Show comments