^

Probinsiya

17 mangingisda nilamon ng dagat

- Ni Jonie Capalaran -

BATAAN, Philippines – Pinaniniwalaang nasawi ang 17 mangingisda na lulan ng dalawang bangka matapos lamunin ng dagat sa karagatang sakop ng Mariveles sa Bataan noong kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Pedring.

Kinilala ni P/Senior Supt. Arnold Gunnacao, ang mga mangingisdang lulan ng FB Princess Angela at FBLorena 2 na sina Alfredo Arnado, boat captain; Arcadio Maratos, Christian Tomas, Raffy Tayong, Alexander Pagoy, Aki Orebia, LoloVallescas, alyas Boyet, Leo Herotivo, Erni Abergonzado, Wilfredo Arendian, Danny Torefranca, Tunrey Gupong, Ruben Sumayo, Dodong Garcia, Charlie Orebia, at si alyas Dodong, pawang nakatira sa Barangay Sisiman, Mariveles.

Ayon kay P/Supt. Joel Tampis, hepe ng Mariveles PNP, naglayag ang mga biktima para mangisda kahit masu­ngit ang panahaon dulot ng bagyong Pedring kung saan hanggang sa kasalukuyan ay hindi makontak sa kaniyang cell phone ang mga biktima.

Gayon pa man, naki­pag-ugnayan na ang Ba­taan PNP sa Philippine Coast Guard at PNP Maritime para magsagawa ng search and rescue operation.

AKI OREBIA

ALEXANDER PAGOY

ALFREDO ARNADO

ARCADIO MARATOS

ARNOLD GUNNACAO

BARANGAY SISIMAN

CHARLIE OREBIA

CHRISTIAN TOMAS

DANNY TOREFRANCA

DODONG GARCIA

MARIVELES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with