3 'sinalvage' sa highway

KIDAPAWAN CITY  ,Philippines —Tatlong kalalakihan na sinasabing sangkot sa serye ng holdapan at carnapping ang natagpuang patay sa liblib na bahagi ng highway sa bayan ng Makilala, North Cotabato, kamakalawa ng umaga.

Kasalukuyang binebe­ripika ang pagkakakilanlan ng tatlo na pawang may mga tattoo sa iba’t ibang bahagi ng katawan na sinasabing nasa edad 17 hanggang 20. Ang dalawang bangkay na magkatabi ay may mga tama ng bala ang baril sa ulo habang ang isa pang lalaki ay natagpuan ilang metro ang layo mula sa dalawa na posibleng nagtangkang tumakas kaya binaril sa ulo. May pala­tandaang pinahirapan muna ang tatlo saka pinatay at itinapon sa nasabing lugar.

Show comments