^

Probinsiya

Kenyan nahulihan ng droga

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Inaresto ng mga awtoridad ang isang Kenyan national na galing Qatar matapos itong masamsaman ng tatlong kilo ng shabu sa isinagawang inspeksyon sa Mactan Cebu International Airport sa Cebu City kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang nasakoteng dayuhan na si Asha Atieno Ogutu, 24-anyos.

Bandang alas-4 ng hapon ng lumapag ang suspect sa nasabing paliparan lulan ng Qatar Airways Flight 656 na galing Doha, Qatar.

Nabatid na hindi nakalusot sa matalas na pang­-amoy ng K9 dogs ng security personnel ng paliparan at National Bureau of Investigation (NBI) Region 7 operatives ang nasabing dayuhan na nakunan ng shabu sa bagahe nito.

Kasalukuyan namang iniimbestigahan ng mga awtoridad kung sino ang lokal na kontak ng suspek sa pagbiyahe nito sa Cebu na may dalang droga. 

ASHA ATIENO OGUTU

BANDANG

CEBU

CEBU CITY

DOHA

INARESTO

KASALUKUYAN

KINILALA

MACTAN CEBU INTERNATIONAL AIRPORT

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

QATAR AIRWAYS FLIGHT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with