Finance officer hinoldap

LUCENA CITY, Philippines — Aabot sa P.146 milyong payroll ang kinulimbat ng mga armadong lalaki na lulan ng motorsiklo matapos holdapin ang finance officer ng eskuwelahan sa bahagi ng Barangay 6, Lucena City, Quezon kamakalawa ng umaga. Sa pagsisiyasat ni SPO1 Aldrin Ranola, nag-withdraw ng malaking halaga sa banko si Glenda Matias, 37, teacher at finance officer  ng Children’s House Montessori School kung saan sumakay sa traysikel pabalik sa nasabing school. Pagsapit sa bisinidad ng Barangay Market View ay sinundan sila ng motorcycle-riding gunmen saka binaril ang gulong ng traysikel. Mabilis na kinuha ang payroll na hawak ni Matias na nagkakahalaga ng P116,000 gayundin ang kanyang personal na P30,000 saka tumakas ang mga holdaper patungo sa direksyon ng Barangay Ibabang Dupay.

Show comments