MANILA, Philippines - Bumagsak sa kamay ng pulisya ang walong miyembro ng carnapping gang matapos madakma sa inilatag na operasyon sa Barangay Darasa, Tanauan City, Batangas noong Sabado ng madaling-araw.
Sumasailalim na sa tactical interrogation ang mga suspek na sina Jun Mendoza, 38, lider ng 60 Minutes Gang, may-ari ng junkshop; Oliver Ducosin, 29; Hernel Evangelista, Mark Quijano, 33; Bernardo Aputar, 35; Romy Bacuto, 47; Roger Navales, 39; at si Maria Teresa De Leon, 39.
Ayon sa police report, ang grupo ni Mendoza ang responsable sa mga carnapping sa Calabarzon region at Metro Manila habang tugis naman ang isa pang kasamahang si Melvin Estrada.