Bus hulog sa creek: 10 sugatan

CAVITE, Philippines  – Aabot sa 10-katao ang iniulat na nasugatan matapos na mahulog ang mini-bus sa creek sa Island Cove Road sa Barangay Aplaya sa bayan ng Kawit, Cavite kamakalawa ng gabi.

Lumilitaw na bumabagtas ang mini bus ni Alfred Feria nang mawalan ng control sa manibela ang drayber matapos na iwasan nito na mabangga ang sinusundang sasakyan kaya nahulog sa creek.

Dahil dito, nagtamo ng mga sugat at pasa sa katawan ang mga biktima hindi na pinangalanang pasahero at agad namang isinugod sa ospital.

Arestado naman ang drayber ng bus na nahaharap na sa kasong reckless imprudence resulting to multiple physical injuries.

Show comments