^

Probinsiya

15-anyos inutas ng 16-anyos sa school

- Eva Visperas, Marvin Sy -

STA. BARBARA, Panga­­sinan, Philippines  – Isa na namang menor-de-edad na estud­yante sa hayskul ang iniulat na napaslang makaraang pagsasaksakin ng kanyang schoolmate na 16-anyos sa loob ng Payas National High School noong Miyerkules ng umaga sa bayan ng Sta. Barbara, Pangasinan.

Napuruhan sa tiyan at kaliwang braso kung saan idineklarang patay sa Region 1 Medical Center sa Dagupan City ang biktimang si Mike Angelo Quibec, 15, habang tumakas naman ang suspek na itinago sa pangalang Grego, senior high school student sa nasabing eskuwelahan.

Narekober ng pulisya sa crime scene ang balisong at duguang arm chair na ginamit naman ng biktima para salagin ang mga saksak na naganap sa alley ng eskuwelahan habang nagre-recess ang mga mag-aaral.

Wala namang umawat na kapwa estudyante sa naganap na insidente sa takot na madamay sa kaguluhan.

Nagpadala na ng pang­kat ng supervisor si Dr. Aurora Domingo, superintendent ng Pangasinan 1 School Division para magsagawa ng hiwalay na imbestigasyon.

“Na-shock ako, nang ma­panood ko sa telebisyon ang 13-anyos na batang lalaki na nagbaril sa ulo matapos mabaril ang kanyang kaibigang 17-anyos sa loob ng mall sa Pampanga at hindi ko inaasahang magaganap naman sa aming eskuwelahan dito,” pahayag ni Dr. Domingo

Ipinag-utos na rin ni Dr. Domingo ang mas lalong mahigpit na seguridad sa mga eskuwelahan para ’di-na maulit ang insidente sa darating na panahon.

Noong Sept. 15, isang 12-anyos na mag-aaral din ang napatay ng kanyang ka­klase matapos gulpihin at sakalin sa loob ng classroom sa Baguio Central School sa Baguio City.

vuukle comment

BAGUIO CENTRAL SCHOOL

BAGUIO CITY

DAGUPAN CITY

DR. AURORA DOMINGO

DR. DOMINGO

MEDICAL CENTER

MIKE ANGELO QUIBEC

NOONG SEPT

PANGASINAN

PAYAS NATIONAL HIGH SCHOOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with