Shootout: 1 Bolt-Cutter Gang dedo

CAVITE ,Philippines  – Napatay ang isa sa tatlong miyembro ng Bolt Cutter Gang matapos makipagbarilan sa mga pulis sa Barangay Hugo Perez, Trece Martirez City, Cavite kahapon ng madaling-araw. Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Jovito Rosella ng General Mariano Alvarez, Cavite habang nakatakas ang dalawa pa nitong kasamahan. Sa ulat ni PO1 Eugene Baired, naganap ang sagupaan dakong alas-4 ng madaling-araw matapos pasukin ng tatlo ang Avon Tire Center Building na pag-aari ni Richard Chu. Nakarating naman sa kinauukulan ang nagaganap na nakawan kaya rumesponde ang mga pulisya kaya nauwi sa shootout. Nakatakas naman ang dalawa na lulan ng gate-away vehicle na Kia Pride. Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang mga gamit na bolt cutter, bareta, Tamaraw FX na maroon na walang plaka, at baril.

Show comments