Obrero pinugutan ng kainuman
QUEZON ,Philippines – Napaslang ang isang 25-anyos na obrero matapos pugutan ng kanyang kainumang matanda kamakalawa ng gabi sa Barangay Caridad Ibaba sa bayan ng Atimonan, Quezon kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang napatay na si Jullan Leguro y Ros, habang tumakas naman ang suspek na si Ruben Palomares, 60. Ayon kay PO2 Joven Camba, huling namataang buhay ang biktima na nakikipag-inuman sa suspek dakong alas-7 ng gabi. Nabatid na nagtalo ang dalawa kung sino ang bibili ng alak kung saan mabilis na umuwi ang suspek. Nang bumalik ang suspek ay hinarap ang biktima saka tinagpas ang ulo.
- Latest
- Trending