5 dakma sa buy-bust

QUEZON ,Philippines  — Bumagsak sa kamay ng pulisya ang limang kalalakihan na pinaniniwalaang mga tulak ng droga makaraang maaresto sa inilatag na buy-bust ope­ration kamakalawa ng gabi sa Barangay Mangilag Sur sa bayan ng Candelaria, Quezon. Pormal na kinasuhan sa pro­secutors office ang mga suspek na sina Ricardo Dolor, 38; Marianito Folor, 52; Menardo Estolano, 52; Dante de los Reyes, 35; at si Edwin Caringal, 36. Sa imbestigasyon ni PO2 Mark Anthony Vito, isinagawa ang buy-bust operation laban sa mga suspek kung saan isang pulis ang nagpanggap na poseur-buyer. Nasamsam sa mga suspek ang ilang gramo ng shabu at marked money na ginamit sa operasyon.

Show comments