^

Probinsiya

Mga negosyante target ng KFR

- Ni Malu Cadelina Manar -

KIDAPAWAN CITY, Philippines – Pangunahing puntirya ng kidnap-for-ransom group sa Central Mindanao ay mga negosyante kung saan maging ang mga es­tablisyemento at govern­ment installations sa Kidapawan City ay target din ng pag-atake ng terror group.

Ito ang isiniwalat ni Army Major Reggie Bernardino, deputy head ng Task Force Cotabato sa ginanap na pulong kamakalawa ng gabi sa Kidapawan City Tourism Council at mga hotel at restaurant owners.

Sinabi pa ni Bernardino na nananatiling banta sa seguridad ng nasabing lungsod at iba pang bahagi ng lalawigan ng North Cotabato ang terorismo.

Bahagi ng Liguasan marsh ang mga bayan ng M’lang, Tulunan, Matalam, Kabacan, Carmen, at Pikit na sinasabing hotbed ng terorismo

Kasunod nito, hinikayat ni Bernardino ang mga mamamayan kabilang na ang mga negosyante at iba pang sektor na magkapit-bisig at maging mapagmatyag sa mga tao na may kahinala-hinalang ikinikilos sa kanilang erya.  

Ang Cotabato City ay may 180 kilometro ang layo mula sa Kidapawan City.  

ANG COTABATO CITY

ARMY MAJOR REGGIE BERNARDINO

BAHAGI

BERNARDINO

CENTRAL MINDANAO

KIDAPAWAN CITY

KIDAPAWAN CITY TOURISM COUNCIL

NORTH COTABATO

TASK FORCE COTABATO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with