Lalaki todas sa over-sex
MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang nasobrahan sa pakikipagtalik kaya sinalubong ni kamatayan ang isang lalaki matapos ang ilang oras na kaligayahan sa piling ng isang prostitute sa General Santos City kahapon ng madaling-araw.
Base sa ulat ng pulisya na nakarating sa Camp Crame, dakong alas-2 ng madaling-araw nang matagpuan ng roomboy ang biktimang itinago sa pangalang Mark na walang buhay sa nirentahan nitong kuwarto sa lodge sa may Biatelis Street, Barangay South.
Sa salaysay ng roomboy na si Ren-Ren, basa pa ang buhok ng biktima na palatandaang bagong ligo subalit patay na.
Sinasabing mag-a-alas-12 ng hatinggabi nang mag-check-in ang lalaki kasama ang isang babae na sinasabing nagbebenta ng panandaliang-aliw.
May teorya ng mga awtoridad na inatake sa puso ang lalaki dahil may mga palatandaang ilang beses na pakipagtalik sa babae base na rin sa mga naiwang ebidensya sa kumot at ayos ng kuwarto.
Bukod pa sa wala naman sugat habang intact pa rin ang pitaka ng biktima kung saan pinaghahanap ang babaeng kasama nito na nagmamadaling umalis mula sa nasabing lodge.
Inilagak na sa punerarya ang bangkay ng nasabing lalaki habang patuloy ang imbestigasyon.
- Latest
- Trending