^

Probinsiya

Bungangerang misis kinarne ni mister

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Dahil sa pagkabunga­ngera, pinagtataga hanggang sa mapatay ng isang mister na lango sa alak ang sariling misis sa Cagayan de Oro City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang napaslang na si Halene Quimco habang arestado naman ang suspek na si Betran Quimco na kapwa naninirahan sa Barangay Canitoan.

Nabatid na malimit magtalo ang mag-asawa kung saan ang pinakahuling pagtatalo ay noong Martes ng hapon kaya galit na umalis ang suspek at nakipag-inuman sa kaniyang mga kumpare.

Kinagabihan ay umuwi ang suspek kung saan ina­butan ang kanyang misis na mahimbing na natutulog kaya kaagad na kinuha sa kanilang kusina ang bagong hasang itak saka pinagtataga ang sariling ginang.

Nang mahimasmasan ang suspek ay itinawag nito sa pulisya ang naganap na insidente at kusang loob na sumama sa presinto sa mga alagad ng batas.

Nabatid na noong nabubuhay pa ang biktima ay madalas na magalit ang suspek sa kaniyang misis dahil sa walang preno sa katatalak lalo na kapag nagtatalo silang mag-asawa.

Kasalukuyan na nga­yong humihimas ng rehas na bakal sa Maharlika Detention Center sa Cagayan de Oro City ang suspek na nahaharap sa kasong parricide.

vuukle comment

BARANGAY CANITOAN

BETRAN QUIMCO

DAHIL

HALENE QUIMCO

KASALUKUYAN

KINAGABIHAN

KINILALA

MAHARLIKA DETENTION CENTER

NABATID

ORO CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with