2 drug pusher arestado

BULACAN, Philippines — Rehas na bakal ang binagsakan ng dalawang sibilyan na pinaniniwalaang notoryus na drug pusher matapos maaresto ng pulisya sa magkahiwalay na drug bust operation sa bayan ng Marilao, Bulacan may ilang araw na ang nakalipas. Sa ulat ang pulisya, kinilala ang mga suspek na sina Thelma Tesurero-Fundales, 45, ng San Miguel Village, Brgy. Lias, Marilao at Samuel “Samantha” Macaindig, 29, ng Sultan Kudarat Street, Maharlika Village,Taguig City. Base sa ulat ni P/Supt. Ge­rardo Andaya na isinumite kay P/Senior Supt. Fernando Mendez Jr. nakumpiskahan ng 9 palstic sachet ng shabu si Fundales habang si Macaindig naman ay nasamsaman ng P22,000 halaga ng shabu.

Show comments