^

Probinsiya

Head nurse, tinodas ng text mate

-

ABUCAY, Bataan, Philippines – Naging mitsa ng kamata­yan ng isang head nurse ang pakikipag-eye ball nito sa dalawang lalaki, isa rito ay kaniyang ka-text mate matapos itong pagnakawan ay paslangin pa sa Brgy. Gabon ng bayang ito, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ang biktimang si Jessie dela Rosa, 30- anyos, binata, Emergency Room head nurse ng Isaac Catalina Medical Center (ICMC) at nakatira sa nasa­bing lugar na nagtamo ng 15 mga saksak sa iba’t ibang parte ng katawan.

 Sa nakalap na report ng PSN, sinabi ni Jaime dela Rosa, ama ng biktima huling nakitang buhay ang kanyang anak alas-7 ng gabi noong Setyembre 7 na umalis ng kanilang bahay sakay ng motorsiklo kung saan nagpaalam ito na makikipagkita sa kaniyang text mate.

Dakong alas-8:45 ng gabi isang tricycle driver ang nakapansin sa biktima na duguang gumagapang at humihingi ng tulong na agad na ipinaalam sa Barangay Tanod ng Gabon.Isinugod ang biktima sa ICMC at bago ito nalagutan ng hininga, nasabi nito ang pangalan ng suspect na nakilalang si Willard Salvador alyas Wilson, 20, may kalive-in partner ng Barangay Laon. Sa isang follow-up ope­ration ng Abucay PNP na pinamunuuan ni P/S Insp. Pepe Alindayo, naaresto ang suspect sa Layac Junction, Dinalupihan sa tulong ng kalive-in nito, matapos itong itext.

Nakuha mula sa suspek ang wallet, cellphone at ang motorsiklo ng biktima. Jonie Capalaran

vuukle comment

ABUCAY

BARANGAY LAON

BARANGAY TANOD

EMERGENCY ROOM

ISAAC CATALINA MEDICAL CENTER

JONIE CAPALARAN

LAYAC JUNCTION

PEPE ALINDAYO

S INSP

WILLARD SALVADOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with