CAMARINES NORTE, Philippines — Bumagsak sa kamay ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency, Provincial Anti Crime Task Force, Labo PNP at Philippine Army ang apat na miyembro ng Calauag Drug syndicate sa isinagawang buy-bust operation sa bayan ng Labo, Camarines Norte kamakalawa. Pormal na kinasuhan ng pulisya ang mga suspek na sina Marlon Glory Aloc ng Purok 3, Brgy Sto Domingo; Eduardo Labeste, Venus Guisadio ng CM Apartelle, Purok 2, Brgy Kalamunding; at si Christopher Peña ng Purok 3, Brgy Talobatid. Nasamsam sa mga suspek ang P.2 milyong halaga ng shabu at marked money na ginamit sa operasyon.