MANILA, Philippines - Tatlo-katao kabilang ang magkapatid na lalaki ang iniulat na nasawi matapos na araruhin ng truck ang apat na sasakyan at bahay sa Sulvec Highway sa bayan ng Narvacan, Ilocos Sur kamakalawa.
Kinilala ang mag-utol na namatay na sina Paulo delos Santos, 15; Christian Santos at si Melvin Balsita.
Naisugod naman sa Gabriela Silang General Hospital sa Vigan ang mga sugatang sina Domingo Galvez, truck driver at Genaro Cabatu.
Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, nasa impluwensya ng alak si Galvez nang banggain ng trak nito ang nakaparadang sasakyan kung saan nadamay ang tahanan ni Reynaldo Bautista, isa pang 6-wheeler Isuzu Elf truck ni Gregorio Dasmariñas at ang nakaparadang owner-type jeep ni Renato Aquino. Inamin ni Galvez na hindi niya nakontrol ang manibela kaya naman inararo ang nakaparadang sasakyan na sa lakas ng pagkakabangga ay tumilapon ang tatlong nasawi.