Nene natusta sa sunog

CAMARINES NORTE ,Philippines   —  Napaaga ang kamatayan ng isang 2-anyos na nene matapos makulong sa nasusunog na bahay sa Barangay Sabang, Naga City, Camarines Sur kamakalawa ng madaling-araw. Hindi na halos makilala ang biktimang si Hycinth Magbanua kung saan nasunog din ang bahay na pag-aari ng pamilya Agbay. Base sa ulat ni SFO1 Edgar Balane, nagsimula ang sunog matapos tumumba ang kandila sa sahig kung saan natutulog ang biktima na pansamantalang iniwan ng kanyang ina. Naapula naman ang sunog matapos rumesponde ang ilang miyembro ng pamatay-sunog.

Show comments