^

Probinsiya

P1.5M asukal na hinaydyak narekober

- Ni Boy Cruz -

BULACAN, Philippines — Narekober na ng pulisya sa P1.5 milyong halaga ng asukal na sinasabing hinaydyak sa isinagawang follow-up operations sa Barangay Tabang sa bayan ng Plaridel, Bulacan kahapon. Sa ulat ni P/Supt. Albert Ocon kay P/Senior Supt. Fernando Mendez Jr., natagpuan ang 250 sako ng asukal sa container van sa bahagi ng Cagayan Valley Road sa nasa­bing barangay. Napag-alamang patungo sana sa Parañaque City mula sa North Harbor ang kargamento nang harangin ng grupo ng kalalakihan. Ayon sa pulisya, ang kargamento ay naibalik naman sa Jade Bros. Freight Int’l habang pinaghahanap naman ang drayber na si Jerry Morales ng Caloocan City at pahinanteng si Arnel Samulde ng Quezon City na kapwa sinasa­bing kasabwat ng grupong humarang sa trailer truck (CPL 534) na lulan ang tone-toneladang asukal.

ALBERT OCON

ARNEL SAMULDE

BARANGAY TABANG

CAGAYAN VALLEY ROAD

CALOOCAN CITY

FERNANDO MENDEZ JR.

FREIGHT INT

JADE BROS

JERRY MORALES

NORTH HARBOR

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with